katext logo enhance your text life
Search:   
Home  ·  Search  ·   Invite  ·   Partners  ·  Help Signup  ·   Login



mga levels ng pag-iyak
6:15 PM on Wednesday, January 7, 2009
Mga levels or stages ng pag-iyak

LUHA - Ito yung pag-iyak na walang tunog. Yung tipong gumugulong lang luha mo sa pisngi. Ito yung first stage ng
          pag-iyak. Kadalasan na nangyayari kung masaya ang isang tao. Pede rin kung napitpit yung daliri mo sa paa sa
          public place at nahihiya kang sumigaw sa sakit.

HIKBI - Kasunod ng pag-luha, may tunog. Kapag talagang malungkot yung nangyari, eto na yung next stage. Kasabay ng
          pag-gulong ng luha ang pa-putol putol na paghinga na may kasamang "hik hik" na tunog. Kadalasan makikita sa 
          mga babaeng nag-emo.(no pun intended sa mga girls). Kadalasan ding nakikita sa batang nag-susumpong. Pede
          mo ring matawag na mayuming pag-iyak.

HAGULGOL - Next stage after ng hikbi. Eto naman yung iyka na medyo may malakas na tunog. Bukas ang bibig pero
                 ungol lamang ang maririnig mo. Kadalasang maririnig kung unan lang ang kasama mo sa kuwarto at ayaw
                 mong iparinig sa mga kasambahay na umiiyak ka (pede rin kung may maiiyakan kang balikat, medyo discrete 
                 at hindi pa nakatatawag pansin).

NGAWA - Eto na yung talagang iyak. medyo may kalakasan na yung iyak at nakatatawag pansin. Yung tipong wala kang
             pakialam sa mga nakakita sa iyo. Basta ma-ilabas mo lang ang nasa dibdib mo. Minsang makikita sa mga lalaking
             nag-iinom matapos iwanan ng girlfriend. (again no pun intended)

PALAHAW - Last stage at ang pinaka-maingay sa lahat. Ito yung tipong iyak na may kasamang sigaw at pag-lulupasay.
                Kailangan ng tranquilizer para mapatahimik ng madali, kung wala, pede ring igupo ng 3-4 na kalalakihan para
                itayo at patahanin. (mag-ingat, minsan nanlalaban kapag sinubukang kalmahin). Ito na yung pinaka-rurok ng
                kadalamhatian.  (kadalasan makikita  sa mga libing).

Atsiyempre pag-nakalma na galing sa palahaw ay mag-simmer down ito atbabalik sa ngawa, hagulgol, hikbi , at ang huli sa pagluha.


Comments (1)
jester27 - 7:33 PM on Wednesday, January 7, 2009  [ message ]
Dpat ksma dyan ung umuungol dhil s skit! hehehe.....!!!!!!!!!