(Isangmadamdaming eksena sa tindahan sa katanghalian ng aking pagtambay..)
- AKO: Magkano ung piatos isang coke tsaka isang kaha ng Marlboro?
- LOLA ANGIE: Teka..55pesos lahat..
- AKO: (kinuha ang limang piso na nakaipit sa gilid ng shorts) cge isang boy bawang isang ice tubig tsaka isang marlboro..(nakangiti ako dahil alam ko na ang reaksyon nya at un ang inaabangan ko hehehe )
- LOLA ANGIE: Ay tarantado ka pianagod mo pa ko halagang limang piso lang pala bibilhin mo!! wala ka na nmang magawa kaya ako ginugulo mo no?! di talaga kumpleto araw mo hanggat di mo ko naaasar!! Loko ka bakit ka pa hindi mag abroad para mabawasan ang mga tambay d2!!
- AKO: Maswerte nga kayo at tumatambay pa ako d2..isang malaking karangalan nga ang pagtambay ko d2 kasi bihira ang gwapo sa harap ng tindahan nyo hehehe.. tsaka pandagdag din ako sa pamatay ng sunog satin.. akala nyo madaling tumambay? Baka pag nagabroad ako hanap-hanapin nyo ko..kayo din wala ng mangaasar sa inyo hehehe..
- LOLA ANGIE: Cge na nga..matahimik ka lang..binobola mo pa ko..
- LOLA ANGIE: Sukli?! Hayop ka talaga di ka pa nga nagbabayad.!!
- AKO: Easy lang baka makalusot hehe!! Pahiram muna ko 20pesos magbabasketball lang ako..babalik ko kagad pag nanalo cge na para lang akong naglalambing sa inyo..tsaka para na rin sa proteksyon nyo..
- LOLA ANGIE: Proteksyon?!! Aba!! parang kang kontrabida sa pelikula ah!!(inabot sakin ang 20pesos) loko mahaba na utang mo d2..kelan ka kaya makakabawi sakin?
- AKO: Basta ilista nyo lang ng ilista..pag nagabroad ako bayad lahat yan..ano ba size ng paa nyo?
- LOLA ANGIE: Size 6 o kaya 7 bili mo ko ung pwedeng pang simba..ung simple lang..
- AKO: Oh cge abangan nyo bibili ko kayong medyas!!! Hahahaha!!
- LOLA ANGIE: Hayop ka talaga!! Akala ko sapatos ibibili mo sakin!! Lumayas ka na nga sa harapan ko!!
Yan ang eksena ko halos araw-araw na pagtambay ko saPilipinas.. Minsan masarap ang tambay na mahirap.. masarap kasi wala kangginagawa..nag bibilang ka lang ng mga dumadaang sasakyan sa daan.. mahirap kasiwala kang pera.. maswerte ka na kung magka 50pesos ka sa gilid ng shorts mo..atpag may pera ka nman asahan mong sa alak na mapupunta un..Mahirap lang na partng isang tambay eh ung pag nakita ka ng kakilala mo nung hyskul or college nanakahubad sa daan nagyoyosi at nakatambay sa kanto.. Minsan ang iba pag nakitaka halos basahin ang pagkatao mo..kung tingnan ka nila para bang hinusgahan kana.. Di ko din nman cla masisisi kasi ung hitsura ko nga nman walang t-shirt,umuusok ang bunganga sa yosi, nasa kanto lang.. kung titinganan mo nga nman akomasasabi mong.."walang pangarap sa buhay"..
Mabuti na lang medyo sinuwerte ng konti..ngayun hindi naboy bawang, ice tubig at isang stick ng Marlboro ang merienda ko..mura langkasi ang bilihin d2 kaya magsasawa ka sa LAYS, PRINGLES, CHOCOLATES..lahat nggus2 mong kainin makakain mo d2..dati satin pag nagulam ka ng karneng baka ibigsabihin fiesta na o may okasyon..d2 ikaw ang magsasawa sa baka..hahanap-hanapinmo ang tuyo,itlog na maalat..pero hindi ibig sabihin na namumulot lang kame ngpera d2..patibayan ang labanan sa abroad.. kumabaga matira matibay..
- AKO: (nag-iba ako ng boses at nakatago sa tindahan) Pagbilan!!magkano isang v-cut isang sprite isang kaha ng marlboro?!!
- LOLA ANGIE: Teka.. 55pesos lahat!!
- AKO: (nagpakita na sa tindera) hahahahahahaha!!! Gotcha!!!
- LOLA ANGIE: Tarantado ka talaga!! Lumayas ka d2!!!
-JET