 |
walang pamagat
11:54 PM on Sunday, March 15, 2009
bakit pag namamatay ang tao puro kabutihan niya ang napag-uusapan? nung nabubuhay naman siya halos kapangitan niya ang napagdidiskitahan. hindi ako mabuting tao. hindi din naman ako ubod ng sama. pero sa sampung utos ng diyos na natutunan ko (dahil ako'y katoliko), mahigit sa tatlo siguro ang sinuway ko. mapupunta na kaya ako sa impiyerno? mahirap magbilang ng kabutihang nagawa mo e. yun bang pagbubulsa ko ng balat ng kendi counted na kabutihan? wala naman kasi akong maraming pera para mag-donate ng isang kapilya sa barangay. nakapagmumura ako. pero generous din naman ako sa pamumuri. pero kadalasan, pambobola daw yon pag sa bibig ko na namutawi.
kung gagawa ako ng balance sheet ng kabutihan at kasamaan na nagawa ko... ano kaya ang mas matimbang? habang nabubuhay ka laging ipapaalala sa yo ng mga taong nakapaligid sa yo ang kasamaan mo. kahit na sanrekwang kabutihan pa ang nagawa mo. yung kuntil na pagkakamali mo, yun at yun ang ipamumukha sa yo. siguro dahil mas mahirap kalimutan yun. kaya pag ako ay namatay mas gusto kong lahat ng kasamaan ko ang pag-usapan. para naman kung lahat yun e hindi ko naihingi ng kapatawaran sa Itaas yun ang ipagdarasal ng mga maiiwan ko.
amen.
|